Alice Dixson Prefers Non-Showbiz Relationships

Feb 27th, 2012 | Category: Articles, Latest News

by Rose Garcia, Pep.ph

Ngayong araw, February 27, ang pilot telecast ng Isang Dakot Na Luha, ang ikatlong teleserye ni Alice Dixson.

Ang una ay ang Babaeng Hampaslupa at sinundan ito ng Glamorosa.

Alice Dixson on her contract with TV5: "This happened really fast and TV5 is launching many new shows… they really wanted me to be part of this new show. And like I was telling everyone kanina, natutuwa ako because binibigyan ako ng importansiya ng TV5 and they believe in me so much na bigyan ako ng isang… hindi naman carrier show, pero nakataya talaga ang pangalan mo. Kumbaga, this is my baby."

Dahil pabalik-balik si Alice mula Canada, kung saan nandun ang kabiyak niyang si Ronnie Miranda, ang unang serye lang sana ang gagawin niya para sa Kapatid network. 

Hindi pa ba siya pinapabalik ng asawa, for good, sa Canada?

Ang sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong taping nila sa Bulacan last week, "Nami-miss niya ako. It’s very difficult."

May nagsabi naman na nami-miss din daw ni Alice ang trabaho niya rito.

"Yeah. Pero siyempre, he’s more important to me than my career and my happiness is also important to me. 

"So, parang he sees naman na masaya ako sa ginagawa ko. 

"So, parang do I think this is my last year?

"I’ll be coming back and forth pa rin if ever."

Aminado si Alice na dahil wala siya physically sa tabi ng asawa, yung wife duties naman ang hindi niya nagagawa ngayon.

Nakangiting sabi nga ni Alice, "Sabi niya, ‘Buti na lang, mabait ako.’"

May guilt feeling ba?

"Oh, yeah, kahit sino naman. 

"If you’re a mother or you’re a wife, and if you’re apart from your loved ones, it’s very difficult."